Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 89)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga iyon ay ang mga binigyan Namin ng Kasulatan, dunong, at pagkapropeta; ngunit kung tatangging sumampalataya sa mga iyan ang mga ito, naipagkatiwala na Namin ang mga iyan sa mga tao na sa mga iyan ay hindi mga tagatangging sumampalataya. (89)
Tafsīr
Ang mga propetang nabanggit na iyon ay ang mga binigyan Namin ng mga kasulatan, binigyan Namin ng karunungan, at binigyan Namin ng pagkapropeta; ngunit kung tatangging sumampalataya ang mga kalipi mo sa ibinigay Namin sa mga iyon na tatlong ito, naglaan na Kami para sa mga iyan at nagtalaga Kami ng mga taong hindi mga tagatangging sumampalataya sa mga iyan. Bagkus sila ay mga mananampalatayang kumakapit sa mga iyan. Sila ay ang mga lumikas, ang mga tagaadya, at ang mga sumunod sa kanila ayon sa pamamagitan ng paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Paggagantimpala.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: