Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 90)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 90

أُولَٰئِكَ الَّذِينَ هَدَى اللَّهُ ۖ فَبِهُدَاهُمُ اقْتَدِهْ ۗ قُلْ لَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ أَجْرًا ۖ إِنْ هُوَ إِلَّا ذِكْرَىٰ لِلْعَالَمِينَ 90 ٩٠

Ang mga iyon ay ang mga pinatnubayan ni Allāh [sa Islām], kaya sa patnubay nila ay tumulad ka. Sabihin mo: “Hindi ako nanghihingi sa inyo dahil dito ng isang pabuya; walang iba ito kundi isang pagpapaalaala para sa mga nilalang.” (90)

Tafsīr
Ang mga propetang iyon at ang sinumang nabanggit kasama sa kanila kabilang sa mga ama nila, mga anak nila, at mga kapatid nila ay ang mga alagad ng kapatnubayan sa totohanan, kaya sumunod ka sa kanila at gumaya ka sa kanila. Sabihin mo, O Sugo, sa mga kalipi mo: "Hindi ako humihiling sa inyo dahil sa pagpapaabot ng Qur'ān ng isang ganti sapagkat ang Qur'ān ay walang iba kundi isang pangaral para sa mga nilalang na tao at jinn upang ipanggabay nila tungo sa landasing tuwid at daang tumpak.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba