Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 92)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Ang Qur’ān na] ito ay Aklat na pinababa Namin, na pinagpala, na tagapagpatotoo sa nauna rito [na mga kasulatan] at upang magbabala ka sa ina ng mga nayon at sa sinumang nasa paligid nito. Ang mga sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay sumasampalataya rito [sa Qur’ān]; at sila, sa pagdarasal nila, ay nangangalaga. (92)
Tafsīr
Itong Qur'ān ay isang aklat na pinababa Namin sa iyo, O Propeta. Ito ay isang aklat na pinagpala, na tagapagpatotoo para sa nauna rito na mga kasulatang makalangit upang magbabala ka sa pamamagitan nito sa mga mamamayan ng Makkah at sa nalalabi sa mga tao sa mga silangan ng lupa at mga kanluran nito upang mapatnubayan sila. Ang mga sumasampalataya sa buhay na pangkabilang-buhay ay sumasampalataya sa Qur'ān na ito, gumagawa ayon sa nasaad dito, at nangangalaga sa pagdarasal nila sa pamamagitan ng pagpapanatili sa mga saligan nito, mga tungkulin dito, at mga itinuturing na kaibig-ibig dito sa mga oras nitong itinakda para rito ayon sa Batas [ng Islām].
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: