Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 94)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Talaga ngang dumating kayo sa Amin bilang mga bukod-tangi gaya ng paglikha Namin sa inyo sa unang pagkakataon [na mga nakayapak at hubad]. Umiwan kayo sa mga iginawad Namin sa inyo sa likuran ng mga likod ninyo. Hindi Kami nakakikita kasama sa inyo ng mga tagapagpamagitan ninyo na inakala ninyo na sila sa inyo ay mga katambal [kay Allāh]. Talaga ngang nagkaputul-putol [ang ugnayan] sa pagitan ninyo at nawala sa inyo ang dati ninyong inaangkin. (94)
Tafsīr
Sasabihin sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay: Talaga ngang pumunta kayo sa Amin sa araw na ito bilang mga indibiduwal na walang ari-ariang kasama sa inyo ni katungkulan gaya ng pagkabuo Namin sa inyo sa unang pagkakataon na mga nakayapak, na mga nakahubo, na mga supot. Umiwan kayo ng ibinigay Namin sa inyo mula roon sa likuran ninyo sa Mundo nang labag sa loob ninyo. Hindi Kami nakakikita ngayong araw kasama sa inyo ng mga diyos na inangkin ninyo na sila ay mga tagapagpagitna para sa inyo at inangkin ninyo na sila ay mga katambal kay Allāh sa pagiging karapat-dapat sa pagsamba. Talaga ngang nagkaputul-putol ang pagkakaugnay sa pagitan ninyo. Naglaho sa inyo ang dati ninyong inaangkin na pamamagitan nila, at na sila ay mga katambal kay Allah.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: