Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 94 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 94 sa 165 • Tagalog


وَلَقَدْ جِئْتُمُونَا فُرَادَىٰ كَمَا خَلَقْنَاكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍ وَتَرَكْتُمْ مَا خَوَّلْنَاكُمْ وَرَاءَ ظُهُورِكُمْ ۖ وَمَا نَرَىٰ مَعَكُمْ شُفَعَاءَكُمُ الَّذِينَ زَعَمْتُمْ أَنَّهُمْ فِيكُمْ شُرَكَاءُ ۚ لَقَدْ تَقَطَّعَ بَيْنَكُمْ وَضَلَّ عَنْكُمْ مَا كُنْتُمْ تَزْعُمُونَ 94
Pagsasalin:
Talaga ngang dumating kayo sa Amin bilang mga bukod-tangi gaya ng paglikha Namin sa inyo sa unang pagkakataon [na mga nakayapak at hubad]. Umiwan kayo sa mga iginawad Namin sa inyo sa likuran ng mga likod ninyo. Hindi Kami nakakikita kasama sa inyo ng mga tagapagpamagitan ninyo na inakala ninyo na sila sa inyo ay mga katambal [kay Allāh]. Talaga ngang nagkaputul-putol [ang ugnayan] sa pagitan ninyo at nawala sa inyo ang dati ninyong inaangkin. Al-An‘ām 6:94
Tafsīr:
Sasabihin sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay: Talaga ngang pumunta kayo sa Amin sa araw na ito bilang mga indibiduwal na walang ari-ariang kasama sa inyo ni katungkulan gaya ng pagkabuo Namin sa inyo sa unang pagkakataon na mga nakayapak, na mga nakahubo, na mga supot. Umiwan kayo ng ibinigay Namin sa inyo mula roon sa likuran ninyo sa Mundo nang labag sa loob ninyo. Hindi Kami nakakikita ngayong araw kasama sa inyo ng mga diyos na inangkin ninyo na sila ay mga tagapagpagitna para sa inyo at inangkin ninyo na sila ay mga katambal kay Allāh sa pagiging karapat-dapat sa pagsamba. Talaga ngang nagkaputul-putol ang pagkakaugnay sa pagitan ninyo. Naglaho sa inyo ang dati ninyong inaangkin na pamamagitan nila, at na sila ay mga katambal kay Allah.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 93 Susunod Al-An‘ām • Talata 95