Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 95 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 95 sa 165 • Tagalog


إِنَّ اللَّهَ فَالِقُ الْحَبِّ وَالنَّوَىٰ ۖ يُخْرِجُ الْحَيَّ مِنَ الْمَيِّتِ وَمُخْرِجُ الْمَيِّتِ مِنَ الْحَيِّ ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ ۖ فَأَنَّىٰ تُؤْفَكُونَ 95
Pagsasalin:
Tunay na si Allāh ay tagapabuka ng mga butil at mga buto, na nagpapalalabas ng buhay mula sa patay, at tagapagpalabas ng patay mula sa buhay. Iyon si Allāh, kaya paanong nalilinlang kayo [palayo sa katotohanan]? Al-An‘ām 6:95
Tafsīr:
Tunay na si Allāh lamang ay ang nagbibiyak ng mga butil kaya lumalabas mula sa mga ito ang mga tanim at nagbibiyak ng mga buto kaya lumalabas mula sa mga ito ang mga punong gaya ng puno ng datiles, ubas, at iba pa sa dalawang ito. Nagpapalabas Siya ng buhay mula sa patay yayamang lumalabas ang tao at ang nalalabi sa mga hayop mula sa punlay at nagpapalabas Siya ng patay mula sa buhay yayamang lumalabas ang punlay mula sa tao at ang itlog mula sa manok. Yaong gumagawa nito ay si Allāh na lumikha sa inyo. Kaya papaano kayo nababaling, O mga tagapagtambal, palayo sa katotohanan sa kabila ng nasasaksihan ninyo mula sa karikitan ng pagkakagawa Niya?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 94 Susunod Al-An‘ām • Talata 96