Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 95)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 95

إِنَّ اللَّهَ فَالِقُ الْحَبِّ وَالنَّوَىٰ ۖ يُخْرِجُ الْحَيَّ مِنَ الْمَيِّتِ وَمُخْرِجُ الْمَيِّتِ مِنَ الْحَيِّ ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ ۖ فَأَنَّىٰ تُؤْفَكُونَ 95 ٩٥

Tunay na si Allāh ay tagapabuka ng mga butil at mga buto, na nagpapalalabas ng buhay mula sa patay, at tagapagpalabas ng patay mula sa buhay. Iyon si Allāh, kaya paanong nalilinlang kayo [palayo sa katotohanan]? (95)

Tafsīr
Tunay na si Allāh lamang ay ang nagbibiyak ng mga butil kaya lumalabas mula sa mga ito ang mga tanim at nagbibiyak ng mga buto kaya lumalabas mula sa mga ito ang mga punong gaya ng puno ng datiles, ubas, at iba pa sa dalawang ito. Nagpapalabas Siya ng buhay mula sa patay yayamang lumalabas ang tao at ang nalalabi sa mga hayop mula sa punlay at nagpapalabas Siya ng patay mula sa buhay yayamang lumalabas ang punlay mula sa tao at ang itlog mula sa manok. Yaong gumagawa nito ay si Allāh na lumikha sa inyo. Kaya papaano kayo nababaling, O mga tagapagtambal, palayo sa katotohanan sa kabila ng nasasaksihan ninyo mula sa karikitan ng pagkakagawa Niya?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba