Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 96)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 96

فَالِقُ الْإِصْبَاحِ وَجَعَلَ اللَّيْلَ سَكَنًا وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ حُسْبَانًا ۚ ذَٰلِكَ تَقْدِيرُ الْعَزِيزِ الْعَلِيمِ 96 ٩٦

[Siya ay] ang tagabuka ng madaling-araw at gumawa sa gabi bilang pamamahinga at sa araw at buwan bilang pagtutuus-tuos. Iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan, Maalam. (96)

Tafsīr
Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang nagpapabuka ng liwanag ng madaling-araw mula sa dilim ng gabi. Siya ay ang gumawa sa gabi bilang pamamahinga para sa mga tao. Namamahinga sila rito mula sa pagkilos para sa paghahanap ng kabuhayan, upang makapagpahinga sila mula sa pagod nila sa paghahanap niyon sa maghapon. Siya ay ang gumawa sa araw at buwan na umiinog ayon sa isang pagtutuos na nakatakda. Ang nabanggit na iyon na bahagi ng karikitan ng pagkakagawa ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, Maalam sa mga nilikha Niya at anumang naaangkop sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba