Surah Al-Mumtaḥanah (Ang Susubukin — الممتحنة) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




60 Al-Mumtaḥanah(الممتحنة), Talata 12

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ إِذَا جَاءَكَ الْمُؤْمِنَاتُ يُبَايِعْنَكَ عَلَىٰ أَنْ لَا يُشْرِكْنَ بِاللَّهِ شَيْئًا وَلَا يَسْرِقْنَ وَلَا يَزْنِينَ وَلَا يَقْتُلْنَ أَوْلَادَهُنَّ وَلَا يَأْتِينَ بِبُهْتَانٍ يَفْتَرِينَهُ بَيْنَ أَيْدِيهِنَّ وَأَرْجُلِهِنَّ وَلَا يَعْصِينَكَ فِي مَعْرُوفٍ ۙ فَبَايِعْهُنَّ وَاسْتَغْفِرْ لَهُنَّ اللَّهَ ۖ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ 12 ١٢

O Propeta, kapag dumating sa iyo ang mga babaing mananampalataya, na nangangako ng katapatan sa iyo na hindi sila magtatambal kay Allāh ng anuman, hindi sila magnanakaw, hindi sila mangangalunya, hindi sila papatay ng mga anak nila, hindi sila magdadala ng isang kasiraang-puri na ginagawa-gawa nila sa pagitan ng mga kamay nila at mga paa nila, at hindi sila susuway sa iyo sa isang nakabubuti ay tumanggap ka ng pangako ng katapatan nila at humingi ka ng tawad para sa kanila kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (12)

Tafsīr
O Propeta, kapag dumating sa iyo ang mga kababaihang mananampalataya, na nangangako ng katapatan sa iyo – tulad ng nangyari sa pagsakop sa Makkah – na hindi sila magtatambal kay Allāh ng anuman bagkus sasamba sila sa Kanya lamang, hindi sila magnanakaw, hindi sila mangangalunya, hindi sila papatay ng mga anak nila bilang pagsunod sa kaugalian ng mga kampon ng Kamangmangan, hindi sila mag-uugnay sa mga asawa nila ng mga anak nila mula sa pangangalunya, at hindi sila susuway sa iyo sa isang nakabubuti kabilang sa tulad ng pagsaway laban sa pananaghoy, pag-aahit ng buhok, at pagpunit ng damit [sa sandali ng dalamhati] ay tumanggap ka ng pangako ng katapatan nila at humiling ka para sa kanila ng tawad mula kay Allāh para sa mga pagkakasala nila matapos ng pagpapahayag ng katapatan nila sa iyo. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba