Surah Al-Mumtaḥanah (Ang Susubukin — الممتحنة) (Talata 1)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




60 Al-Mumtaḥanah(الممتحنة), Talata 1

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا عَدُوِّي وَعَدُوَّكُمْ أَوْلِيَاءَ تُلْقُونَ إِلَيْهِمْ بِالْمَوَدَّةِ وَقَدْ كَفَرُوا بِمَا جَاءَكُمْ مِنَ الْحَقِّ يُخْرِجُونَ الرَّسُولَ وَإِيَّاكُمْ ۙ أَنْ تُؤْمِنُوا بِاللَّهِ رَبِّكُمْ إِنْ كُنْتُمْ خَرَجْتُمْ جِهَادًا فِي سَبِيلِي وَابْتِغَاءَ مَرْضَاتِي ۚ تُسِرُّونَ إِلَيْهِمْ بِالْمَوَدَّةِ وَأَنَا أَعْلَمُ بِمَا أَخْفَيْتُمْ وَمَا أَعْلَنْتُمْ ۚ وَمَنْ يَفْعَلْهُ مِنْكُمْ فَقَدْ ضَلَّ سَوَاءَ السَّبِيلِ 1 ١

O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa kaaway Ko at kaaway ninyo bilang mga katangkilik na nag-uukol kayo sa kanila ng pagmamahal samantalang tumanggi na silang sumampalataya sa dumating sa inyo na katotohanan, habang nagpapalisan sila sa Sugo [ni Allāh] at sa inyo dahil sumampalataya kayo kay Allāh na Panginoon ninyo. [Iyon ay] kung kayo ay hahayo dala ng isang pakikibaka sa landas Ko at dala ng paghahangad sa kaluguran Ko. Nagtatapat kayo sa kanila ng pagmamahal samantalang Ako ay nakaaalam sa anumang ikinukubli ninyo at anumang inihahayag ninyo. Ang sinumang gumagawa niyon kabilang sa inyo ay naligaw nga siya palayo sa katumpakan ng landas. (1)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, huwag kayong gumawa sa mga kaaway Ko at mga kaaway ninyo bilang mga katangkilik na nakikipagtangkilikan kayo sa kanila at nakikipagmahalan kayo sa kanila samantalang tumanggi na silang sumampalataya sa dumating sa inyo na Relihiyon hatid ng Sugo ninyo [dahil] nagpapalayas sila sa Sugo mula sa tahanan nito at nagpapalayas sa inyo mismo gayundin mula sa mga tahanan ninyo sa Makkah. Hindi sila nagsasaalang-alang sa inyo ng isang pagkakaanak ni isang kaugnayan. Hindi dahil sa anuman maliban na kayo ay sumampalataya kay Allāh na Panginoon ninyo. Huwag ninyong gawin iyon kung kayo ay hahayo alang-alang sa pakikibaka sa landas Ko at alang-alang sa paghahanap ng pagkalugod Ko. Nagtatapat kayo sa kanila ng mga ulat tungkol sa mga Muslim dala ng pagmamahal sa kanila samantalang Ako ay nakaaalam sa anumang ikinukubli ninyo mula roon at anumang inihahayag ninyo: walang nakakukubli sa Akin na anuman mula roon ni mula sa iba pa roon. Ang sinumang gumagawa ng pakikipagtangkilikan at pakikipagmahalan na iyon sa mga tagatangging sumampalataya ay nalihis nga palayo sa kalagitnaan ng daan, naligaw palayo sa katotohanan, at umiwas sa pagkatama.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba