Surah Al-Mumtaḥanah (Ang Susubukin — الممتحنة) (Talata 3)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




60 Al-Mumtaḥanah(الممتحنة), Talata 3

لَنْ تَنْفَعَكُمْ أَرْحَامُكُمْ وَلَا أَوْلَادُكُمْ ۚ يَوْمَ الْقِيَامَةِ يَفْصِلُ بَيْنَكُمْ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ 3 ٣

Hindi magpapakinabang sa inyo ang mga pagkakaanak ninyo ni ang mga anak ninyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magpapahiwalay Siya sa pagitan ninyo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita. (3)

Tafsīr
Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagkakamag-anak ninyo ni ang mga anak ninyo kapag nakipagtangkilikan kayo sa mga tagatangging sumampalataya alang-alang sa kanila. Sa Araw ng Pagbangon ay maghahati-hati si Allāh sa pagitan ninyo para pumasok sa Hardin ang mga maninirahan sa Hardin kabilang sa inyo at sa Apoy ang mga maninirahan sa Apoy kaya hindi magpapakinabang ang iba sa inyo sa iba pa. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na anuman mula sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba