Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mumtaḥanah — Talata 3 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mumtaḥanah • Talata 3 sa 13 • Tagalog


لَنْ تَنْفَعَكُمْ أَرْحَامُكُمْ وَلَا أَوْلَادُكُمْ ۚ يَوْمَ الْقِيَامَةِ يَفْصِلُ بَيْنَكُمْ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ 3
Pagsasalin:
Hindi magpapakinabang sa inyo ang mga pagkakaanak ninyo ni ang mga anak ninyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magpapahiwalay Siya sa pagitan ninyo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita. Al-Mumtaḥanah 60:3
Tafsīr:
Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagkakamag-anak ninyo ni ang mga anak ninyo kapag nakipagtangkilikan kayo sa mga tagatangging sumampalataya alang-alang sa kanila. Sa Araw ng Pagbangon ay maghahati-hati si Allāh sa pagitan ninyo para pumasok sa Hardin ang mga maninirahan sa Hardin kabilang sa inyo at sa Apoy ang mga maninirahan sa Apoy kaya hindi magpapakinabang ang iba sa inyo sa iba pa. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na anuman mula sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mumtaḥanah • Talata 2 Susunod Al-Mumtaḥanah • Talata 4