Kung mananaig sila inyo, sila para sa inyo ay magiging mga kaaway, magpapaabot sila laban sa inyo ng mga kamay nila at mga dila nila sa pamamagitan ng kasagwaan. Nag-asam sila na kung sana tumatanggi kayong sumampalataya. Al-Mumtaḥanah 60:2 ⧉
Tafsīr:
Kung magwawagi sila sa inyo, maglalantad sila ng kinikimkim nila sa mga puso nila na pagkamuhi, mag-aabot sila ng mga kamay nila sa inyo sa pamamagitan ng pananakit at paghahagupit, magpapawala sila ng mga dila nila sa pamamagitan ng pang-iinsulto at panlalait, magmimithi sila na kung sana tumanggi kayong sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya upang kayo ay maging tulad nila.