Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Marahil si Allāh ay maglagay sa pagitan ninyo at ng mga inaway ninyo kabilang sa kanila ng isang pagmamahal. Si Allāh ay May-kakayahan. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (7)
Tafsīr
Marahil si Allāh ay maglagay sa pagitan ninyo, O mga mananampalataya, at ng mga inaway ninyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pag-ibig sa pamamagitan ng pagpatnubay sa kanila ni Allāh sa Islām kaya sila ay magiging mga kapatid para sa inyo sa Relihiyon. Si Allāh ay May-kakayahan: nakakaya Niya na baguhin ang mga puso nila patungo sa pananampalataya. Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: