Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mumtaḥanah — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mumtaḥanah • Talata 7 sa 13 • Tagalog


عَسَى اللَّهُ أَنْ يَجْعَلَ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَ الَّذِينَ عَادَيْتُمْ مِنْهُمْ مَوَدَّةً ۚ وَاللَّهُ قَدِيرٌ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ 7
Pagsasalin:
Marahil si Allāh ay maglagay sa pagitan ninyo at ng mga inaway ninyo kabilang sa kanila ng isang pagmamahal. Si Allāh ay May-kakayahan. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Al-Mumtaḥanah 60:7
Tafsīr:
Marahil si Allāh ay maglagay sa pagitan ninyo, O mga mananampalataya, at ng mga inaway ninyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pag-ibig sa pamamagitan ng pagpatnubay sa kanila ni Allāh sa Islām kaya sila ay magiging mga kapatid para sa inyo sa Relihiyon. Si Allāh ay May-kakayahan: nakakaya Niya na baguhin ang mga puso nila patungo sa pananampalataya. Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mumtaḥanah • Talata 6 Susunod Al-Mumtaḥanah • Talata 8