Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mumtaḥanah — Talata 8 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mumtaḥanah • Talata 8 sa 13 • Tagalog


لَا يَنْهَاكُمُ اللَّهُ عَنِ الَّذِينَ لَمْ يُقَاتِلُوكُمْ فِي الدِّينِ وَلَمْ يُخْرِجُوكُمْ مِنْ دِيَارِكُمْ أَنْ تَبَرُّوهُمْ وَتُقْسِطُوا إِلَيْهِمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُقْسِطِينَ 8
Pagsasalin:
Hindi sumasaway sa inyo si Allāh kaugnay sa mga [tagatangging sumampalataya na] hindi nakipaglaban sa inyo dahil sa Relihiyon [ninyo] at hindi nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na magsamabuting-loob kayo sa kanila at magpakamakatarungan kayo sa kanila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan. Al-Mumtaḥanah 60:8
Tafsīr:
Hindi sumasaway sa inyo si Allāh, sa mga hindi nakipaglaban sa inyo dahilan sa pagyakap ninyo sa Islām at hindi nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na gumawa kayo ng maganda sa kanila at magmakatarungan kayo sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ninyo sa kanila ng ukol sa kanila na tungkulin sa inyo. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga makatarungan na nagmamakatarungan sa mga sarili nila, mga mag-anak nila, at tinangkilik nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mumtaḥanah • Talata 7 Susunod Al-Mumtaḥanah • Talata 9