Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa kanila ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam kay Allāh at sa Huling Araw. Ang sinumang tatalikod, tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri. Al-Mumtaḥanah 60:6 ⧉
Tafsīr:
Itong huwarang maganda ay tinutularan lamang ng sinumang naging nag-aasam kay Allāh ng kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang aayaw sa huwarang magandang ito, tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan sa mga lingkod Niya: hindi Siya nangangailangan ng pagtalima nila, at Siya ang Pinapupurihan sa lahat ng kalagayan.