Surah Al-Mumtaḥanah (Ang Susubukin — الممتحنة) (Talata 8)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




60 Al-Mumtaḥanah(الممتحنة), Talata 8

لَا يَنْهَاكُمُ اللَّهُ عَنِ الَّذِينَ لَمْ يُقَاتِلُوكُمْ فِي الدِّينِ وَلَمْ يُخْرِجُوكُمْ مِنْ دِيَارِكُمْ أَنْ تَبَرُّوهُمْ وَتُقْسِطُوا إِلَيْهِمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُقْسِطِينَ 8 ٨

Hindi sumasaway sa inyo si Allāh kaugnay sa mga [tagatangging sumampalataya na] hindi nakipaglaban sa inyo dahil sa Relihiyon [ninyo] at hindi nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na magsamabuting-loob kayo sa kanila at magpakamakatarungan kayo sa kanila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan. (8)

Tafsīr
Hindi sumasaway sa inyo si Allāh, sa mga hindi nakipaglaban sa inyo dahilan sa pagyakap ninyo sa Islām at hindi nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na gumawa kayo ng maganda sa kanila at magmakatarungan kayo sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ninyo sa kanila ng ukol sa kanila na tungkulin sa inyo. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga makatarungan na nagmamakatarungan sa mga sarili nila, mga mag-anak nila, at tinangkilik nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba