Surah Aṣ-Ṣaff (Ang Hanay — الصف) (Talata 5)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




61 Aṣ-Ṣaff(الصف), Talata 5

وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ يَا قَوْمِ لِمَ تُؤْذُونَنِي وَقَدْ تَعْلَمُونَ أَنِّي رَسُولُ اللَّهِ إِلَيْكُمْ ۖ فَلَمَّا زَاغُوا أَزَاغَ اللَّهُ قُلُوبَهُمْ ۚ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْفَاسِقِينَ 5 ٥

[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: “O mga kalipi ko, bakit kayo nananakit sa akin samantalang nalalaman na ninyo na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo?” Kaya noong lumiko sila ay nagpaliko si Allāh sa mga puso nila. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail. (5)

Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, bakit kayo nananakit sa akin sa pamamagitan ng pagsalungat sa utos ko samantalang kayo ay nakaaalam na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo?" Kaya noong kumiling sila at nalihis sila palayo sa inihatid niya sa kanila na katotohanan, nagpakiling si Allāh sa mga puso nila palayo sa katotohanan at pagkamatuwid. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa katotohanan sa mga taong lumalabas sa pagtalima sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba