Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Aṣ-Ṣaff — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

Aṣ-Ṣaff • Talata 5 sa 14 • Tagalog


وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ يَا قَوْمِ لِمَ تُؤْذُونَنِي وَقَدْ تَعْلَمُونَ أَنِّي رَسُولُ اللَّهِ إِلَيْكُمْ ۖ فَلَمَّا زَاغُوا أَزَاغَ اللَّهُ قُلُوبَهُمْ ۚ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْفَاسِقِينَ 5
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: “O mga kalipi ko, bakit kayo nananakit sa akin samantalang nalalaman na ninyo na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo?” Kaya noong lumiko sila ay nagpaliko si Allāh sa mga puso nila. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail. Aṣ-Ṣaff 61:5
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, bakit kayo nananakit sa akin sa pamamagitan ng pagsalungat sa utos ko samantalang kayo ay nakaaalam na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo?" Kaya noong kumiling sila at nalihis sila palayo sa inihatid niya sa kanila na katotohanan, nagpakiling si Allāh sa mga puso nila palayo sa katotohanan at pagkamatuwid. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa katotohanan sa mga taong lumalabas sa pagtalima sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Aṣ-Ṣaff • Talata 4 Susunod Aṣ-Ṣaff • Talata 6