Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Aṣ-Ṣaff — Talata 6 (Tagalog) — Bidyo

Aṣ-Ṣaff • Talata 6 sa 14 • Tagalog


وَإِذْ قَالَ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ يَا بَنِي إِسْرَائِيلَ إِنِّي رَسُولُ اللَّهِ إِلَيْكُمْ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيَّ مِنَ التَّوْرَاةِ وَمُبَشِّرًا بِرَسُولٍ يَأْتِي مِنْ بَعْدِي اسْمُهُ أَحْمَدُ ۖ فَلَمَّا جَاءَهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ قَالُوا هَٰذَا سِحْرٌ مُبِينٌ 6
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagsabi si Jesus na anak ni Maria: “O mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni Allāh sa inyo bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa akin na Torah at bilang tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa isang Sugo na darating matapos ko na, na ang pangalan niya ay Aḥmad.” Ngunit noong naghatid siya sa kanila ng mga malinaw na patunay ay nagsabi sila: “Ito ay isang panggagaway na malinaw.” Aṣ-Ṣaff 61:6
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Jesus na anak ni Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni Allāh; nagpadala Siya sa akin sa inyo bilang tagapagpatotoo para sa bumaba bago ko na Torah sapagkat hindi ako isang pasimula sa mga sugo, at bilang tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa isang Sugo na darating matapos ko na, na ang pangalan niya ay Aḥmad." Ngunit noong naghatid sa kanila si Jesus ng mga katwirang nagpapatunay sa katapatan niya ay nagsabi sila: "Ito ay isang panggagaway na maliwanag kaya hindi kami susunod sa kanya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Aṣ-Ṣaff • Talata 5 Susunod Aṣ-Ṣaff • Talata 7