Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Aṣ-Ṣaff — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

Aṣ-Ṣaff • Talata 7 sa 14 • Tagalog


وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ وَهُوَ يُدْعَىٰ إِلَى الْإِسْلَامِ ۚ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ 7
Pagsasalin:
Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan samantalang ito ay inaanyayahan sa Islām. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan. Aṣ-Ṣaff 61:7
Tafsīr:
Walang isang higit na matindi sa paglabag sa katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng kasinungalingan yayamang gumawa ito para sa Kanya ng mga kaagaw na sinasamba nito bukod pa sa Kanya samantalang ito ay inaanyayahan sa Islām, ang Relihiyong wagas ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga taong tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagtatambal [sa Kanya] at mga pagsuway sa anumang may dulot na paggagabay sa kanila at pagtatama sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Aṣ-Ṣaff • Talata 6 Susunod Aṣ-Ṣaff • Talata 8