Surah Aṣ-Ṣaff (Ang Hanay — الصف) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




61 Aṣ-Ṣaff(الصف), Talata 7

وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ وَهُوَ يُدْعَىٰ إِلَى الْإِسْلَامِ ۚ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ 7 ٧

Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan samantalang ito ay inaanyayahan sa Islām. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan. (7)

Tafsīr
Walang isang higit na matindi sa paglabag sa katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng kasinungalingan yayamang gumawa ito para sa Kanya ng mga kaagaw na sinasamba nito bukod pa sa Kanya samantalang ito ay inaanyayahan sa Islām, ang Relihiyong wagas ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga taong tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagtatambal [sa Kanya] at mga pagsuway sa anumang may dulot na paggagabay sa kanila at pagtatama sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba