Surah Al-Jumu‘ah (Ang Biyernes — الجمعة) (Talata 6)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




62 Al-Jumu‘ah(الجمعة), Talata 6

قُلْ يَا أَيُّهَا الَّذِينَ هَادُوا إِنْ زَعَمْتُمْ أَنَّكُمْ أَوْلِيَاءُ لِلَّهِ مِنْ دُونِ النَّاسِ فَتَمَنَّوُا الْمَوْتَ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ 6 ٦

Sabihin mo: “O mga naghudyo, kung umangkin kayo na kayo ay mga katangkilik para kay Allāh bukod sa mga tao ay magmithi kaya ng kamatayan kung kayo ay mga tapat.” (6)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "O mga nanatili sa Hudaismo matapos ng paglilihis nito, kung umangkin kayo na kayo ay mga katangkilik para kay Allāh na nagtangi sa inyo sa pagtangkilik bukod sa mga tao, magmithi kayo ng kamatayan upang magpadali Siya para sa inyo ng itinangi Niya sa inyo – alinsunod sa pag-aangkin ninyo – na karangalan kung kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo na kayo ay mga katangkilik ni Allāh bukod sa mga tao."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba