Sabihin mo: “O mga naghudyo, kung umangkin kayo na kayo ay mga katangkilik para kay Allāh bukod sa mga tao ay magmithi kaya ng kamatayan kung kayo ay mga tapat.” Al-Jumu‘ah 62:6 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "O mga nanatili sa Hudaismo matapos ng paglilihis nito, kung umangkin kayo na kayo ay mga katangkilik para kay Allāh na nagtangi sa inyo sa pagtangkilik bukod sa mga tao, magmithi kayo ng kamatayan upang magpadali Siya para sa inyo ng itinangi Niya sa inyo – alinsunod sa pag-aangkin ninyo – na karangalan kung kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo na kayo ay mga katangkilik ni Allāh bukod sa mga tao."