Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Jumu‘ah — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

Al-Jumu‘ah • Talata 5 sa 11 • Tagalog


مَثَلُ الَّذِينَ حُمِّلُوا التَّوْرَاةَ ثُمَّ لَمْ يَحْمِلُوهَا كَمَثَلِ الْحِمَارِ يَحْمِلُ أَسْفَارًا ۚ بِئْسَ مَثَلُ الْقَوْمِ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِ اللَّهِ ۚ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ 5
Pagsasalin:
Ang paghahalintulad sa mga pinagpasan ng Torah, pagkatapos hindi pumasan nito, ay gaya ng paghahalintulad sa asno habang pumapasan ng mga makapal na aklat. Kay saklap ang paghahalintulad sa mga taong nagpasinungaling sa mga talata ni Allāh [sa Qur’ān]! Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan. Al-Jumu‘ah 62:5
Tafsīr:
Ang paghahalintulad sa mga Hudyo na inatangan ng pagsasagawa ng nasa Torah, saka iniwan nila ang iniatang sa kanila, ay gaya ng paghahalimbawa sa asno habang pumapasan ng mga malaking aklat; hindi ito nakababatid kung ano ang ipinapasan dito kung ito ba ay mga aklat o iba pa. Kaya pangit ang paghahalimbawa sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh! Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga taong tagalabag sa katarungan para sa pagtamo ng katotohanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Jumu‘ah • Talata 4 Susunod Al-Jumu‘ah • Talata 6