Hindi sila magmimithi niyon magpakailanman dahil sa ipinauna ng mga kamay nila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan. Al-Jumu‘ah 62:7 ⧉
Tafsīr:
Hindi sila magmimithi ng kamatayan magpakailanman; bagkus magmimithi sila ng pananatili sa Mundo dahilan sa ginawa nila na kawalang-pananampalataya, mga pagsuway, kawalang-katarungan, pagpapalihis sa Torah, at pagpapalit nito. Si Allāh ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain nila na anuman, at gaganti sa kanila sa mga ito.