Surah At-Taghābun (Ang Pandaraya — التغابن) (Talata 3)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




64 At-Taghābun(التغابن), Talata 3

خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ وَصَوَّرَكُمْ فَأَحْسَنَ صُوَرَكُمْ ۖ وَإِلَيْهِ الْمَصِيرُ 3 ٣

Lumikha Siya ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan, nagbigay-anyo Siya sa inyo saka nagpaganda Siya ng mga anyo ninyo; tungo sa Kanya ang kahahantungan. (3)

Tafsīr
Lumikha Siya ng mga langit at lumikha Siya ng lupa ayon sa katotohanan, at hindi Siya lumikha sa mga ito sa isang paglalaru-laro. Nagbigay-anyo Siya sa inyo, O mga tao, saka nagpaganda Siya ng mga anyo ninyo bilang kagandahang-loob mula sa Kanya at bilang pagmamabuting-loob. Kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang ginawa Niya ang mga ito na pangit. Tungo sa Kanya lamang ang pagbabalik sa Araw ng Pagbangon para gumantimpala Siya sa inyo sa mga gawain ninyo; kung mabuti ay mabuti [ang ganti] at kung masama ay masama [ang ganti].

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba