Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Taghābun — Talata 3 (Tagalog) — Bidyo

At-Taghābun • Talata 3 sa 18 • Tagalog


خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ وَصَوَّرَكُمْ فَأَحْسَنَ صُوَرَكُمْ ۖ وَإِلَيْهِ الْمَصِيرُ 3
Pagsasalin:
Lumikha Siya ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan, nagbigay-anyo Siya sa inyo saka nagpaganda Siya ng mga anyo ninyo; tungo sa Kanya ang kahahantungan. At-Taghābun 64:3
Tafsīr:
Lumikha Siya ng mga langit at lumikha Siya ng lupa ayon sa katotohanan, at hindi Siya lumikha sa mga ito sa isang paglalaru-laro. Nagbigay-anyo Siya sa inyo, O mga tao, saka nagpaganda Siya ng mga anyo ninyo bilang kagandahang-loob mula sa Kanya at bilang pagmamabuting-loob. Kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang ginawa Niya ang mga ito na pangit. Tungo sa Kanya lamang ang pagbabalik sa Araw ng Pagbangon para gumantimpala Siya sa inyo sa mga gawain ninyo; kung mabuti ay mabuti [ang ganti] at kung masama ay masama [ang ganti].
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Taghābun • Talata 2 Susunod At-Taghābun • Talata 4