Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at lupa at nakaaalam Siya sa anumang inililihim ninyo at anumang inihahayag ninyo. Si Allāh ay Maalam sa laman ng mga dibdib. At-Taghābun 64:4 ⧉
Tafsīr:
Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit, nakaaalam Siya sa anumang nasa lupa, nakaaalam Siya sa anumang ikinukubli ninyo na mga gawain, at nakaaalam Siya sa anumang inihahayag ninyo. Si Allāh ay Maalam sa anumang nasa mga dibdib na kabutihan o kasamaan: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman.