Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nag-angkin ang mga tumangging sumampalataya na hindi raw sila bubuhayin. Sabihin mo: “Oo naman; sumpa man sa Panginoon ko, talagang bubuhayin nga kayo, pagkatapos talagang babalitaan nga kayo hinggil sa ginawa ninyo. Iyon kay Allāh ay madali.” (7)
Tafsīr
Nag-angkin ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh na si Allāh ay hindi raw bubuhay sa kanila para maging mga buhay matapos ng kamatayan nila. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagkailang ito sa pagbubuhay: "Oo naman; sumpa man sa Panginoon ko, talagang bubuhayin nga kayo sa Araw ng Pagbangon, pagkatapos talagang magpapabatid nga sa inyo hinggil sa ginawa ninyo sa Mundo. Ang pagbubuhay na iyon kay Allāh ay magaan sapagkat lumikha na Siya sa inyo sa unang pagkakataon kaya Siya ay nakakakaya sa pagbuhay sa inyo, matapos ng kamatayan ninyo, para maging mga buhay para sa pagtutuos at pagganti."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: