Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Taghābun — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

At-Taghābun • Talata 7 sa 18 • Tagalog


زَعَمَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَنْ لَنْ يُبْعَثُوا ۚ قُلْ بَلَىٰ وَرَبِّي لَتُبْعَثُنَّ ثُمَّ لَتُنَبَّؤُنَّ بِمَا عَمِلْتُمْ ۚ وَذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرٌ 7
Pagsasalin:
Nag-angkin ang mga tumangging sumampalataya na hindi raw sila bubuhayin. Sabihin mo: “Oo naman; sumpa man sa Panginoon ko, talagang bubuhayin nga kayo, pagkatapos talagang babalitaan nga kayo hinggil sa ginawa ninyo. Iyon kay Allāh ay madali.” At-Taghābun 64:7
Tafsīr:
Nag-angkin ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh na si Allāh ay hindi raw bubuhay sa kanila para maging mga buhay matapos ng kamatayan nila. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagkailang ito sa pagbubuhay: "Oo naman; sumpa man sa Panginoon ko, talagang bubuhayin nga kayo sa Araw ng Pagbangon, pagkatapos talagang magpapabatid nga sa inyo hinggil sa ginawa ninyo sa Mundo. Ang pagbubuhay na iyon kay Allāh ay magaan sapagkat lumikha na Siya sa inyo sa unang pagkakataon kaya Siya ay nakakakaya sa pagbuhay sa inyo, matapos ng kamatayan ninyo, para maging mga buhay para sa pagtutuos at pagganti."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Taghābun • Talata 6 Susunod At-Taghābun • Talata 8