Kaya sumampalataya kayo kay Allāh, sa Sugo Niya [na si Propeta Muḥammad], at sa liwanag [ng patnubay] na pinababa. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid. At-Taghābun 64:8 ⧉
Tafsīr:
Kaya sumampalataya kayo, O mga tao, kay Allāh, sumampalataya kayo sa Sugo Niya, at sumampalataya kayo sa Qur'ān na pinababa Niya sa Sugo Niya. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman, at gaganti sa inyo sa mga ito.