Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Taghābun — Talata 9 (Tagalog) — Bidyo

At-Taghābun • Talata 9 sa 18 • Tagalog


يَوْمَ يَجْمَعُكُمْ لِيَوْمِ الْجَمْعِ ۖ ذَٰلِكَ يَوْمُ التَّغَابُنِ ۗ وَمَنْ يُؤْمِنْ بِاللَّهِ وَيَعْمَلْ صَالِحًا يُكَفِّرْ عَنْهُ سَيِّئَاتِهِ وَيُدْخِلْهُ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۚ ذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ 9
Pagsasalin:
Sa Araw na magtitipon Siya sa inyo para sa Araw ng pagtitipon. Iyon ay ang araw ng lamangan. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng matuwid ay magtatakip Siya rito sa mga masagwang gawa nito at magpapapasok Siya rito sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Iyon ang pagkatamong sukdulan. At-Taghābun 64:9
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, sa Araw na magtitipon sa inyo si Allāh para sa Araw ng Pagbangon upang gumanti sa inyo sa mga gawain ninyo. Ang Araw na iyon na lalantad doon ang kalugihan ng mga tagatangging sumampalataya at ang pagkukulang nila yayamang magmamana ang mga mananampalataya ng mga tuluyan sana sa Hardin ng mga alagad ng Apoy at magmamana ang mga alagad ng Apoy ng mga tuluyan sana sa Apoy ng mga alagad ng Hardin. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng gawang matuwid ay magtatakip si Allāh rito sa mga masagwang gawa nito at magpapapasok Siya rito sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman. Hindi sila lalabas mula sa mga ito at hindi mapuputol sa kanila ang kaginhawahan sa mga ito. Ang matatamo nilang iyon ay ang pagkatamong sukdulan na walang nakapapantay rito na isang pagkatamo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Taghābun • Talata 8 Susunod At-Taghābun • Talata 10