Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sa Araw na magtitipon Siya sa inyo para sa Araw ng pagtitipon. Iyon ay ang araw ng lamangan. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng matuwid ay magtatakip Siya rito sa mga masagwang gawa nito at magpapapasok Siya rito sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Iyon ang pagkatamong sukdulan. (9)
Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, sa Araw na magtitipon sa inyo si Allāh para sa Araw ng Pagbangon upang gumanti sa inyo sa mga gawain ninyo. Ang Araw na iyon na lalantad doon ang kalugihan ng mga tagatangging sumampalataya at ang pagkukulang nila yayamang magmamana ang mga mananampalataya ng mga tuluyan sana sa Hardin ng mga alagad ng Apoy at magmamana ang mga alagad ng Apoy ng mga tuluyan sana sa Apoy ng mga alagad ng Hardin. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng gawang matuwid ay magtatakip si Allāh rito sa mga masagwang gawa nito at magpapapasok Siya rito sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman. Hindi sila lalabas mula sa mga ito at hindi mapuputol sa kanila ang kaginhawahan sa mga ito. Ang matatamo nilang iyon ay ang pagkatamong sukdulan na walang nakapapantay rito na isang pagkatamo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: