Surah Aṭ-Ṭalāq (Ang Diborsyo — الطلاق) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




65 Aṭ-Ṭalāq(الطلاق), Talata 12

اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ سَبْعَ سَمَاوَاتٍ وَمِنَ الْأَرْضِ مِثْلَهُنَّ يَتَنَزَّلُ الْأَمْرُ بَيْنَهُنَّ لِتَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ وَأَنَّ اللَّهَ قَدْ أَحَاطَ بِكُلِّ شَيْءٍ عِلْمًا 12 ١٢

Si Allāh ay ang lumikha ng pitong langit at mula sa lupa ng tulad ng mga ito. Nagbababaan ang kautusan sa pagitan ng mga ito upang makaalam kayo na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan, at na si Allāh ay pumaligid nga sa bawat bagay sa kaalaman. (12)

Tafsīr
Si Allāh ay ang lumikha ng pitong langit at lumikha ng pitong lupa tulad ng paglikha Niya ng pitong langit. Nagbababaan ang kautusang pansansinukob at pambatas ni Allāh sa pagitan ng mga ito sa pag-asang makaalam kayo na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman, at na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay sumaklaw sa bawat bagay sa kaalaman kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga langit ni sa lupa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba