Si Allāh ay ang lumikha ng pitong langit at mula sa lupa ng tulad ng mga ito. Nagbababaan ang kautusan sa pagitan ng mga ito upang makaalam kayo na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan, at na si Allāh ay pumaligid nga sa bawat bagay sa kaalaman. Aṭ-Ṭalāq 65:12 ⧉
Tafsīr:
Si Allāh ay ang lumikha ng pitong langit at lumikha ng pitong lupa tulad ng paglikha Niya ng pitong langit. Nagbababaan ang kautusang pansansinukob at pambatas ni Allāh sa pagitan ng mga ito sa pag-asang makaalam kayo na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman, at na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay sumaklaw sa bawat bagay sa kaalaman kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga langit ni sa lupa.