Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Aṭ-Ṭalāq — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Aṭ-Ṭalāq • Talata 11 sa 12 • Tagalog


رَسُولًا يَتْلُو عَلَيْكُمْ آيَاتِ اللَّهِ مُبَيِّنَاتٍ لِيُخْرِجَ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ ۚ وَمَنْ يُؤْمِنْ بِاللَّهِ وَيَعْمَلْ صَالِحًا يُدْخِلْهُ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۖ قَدْ أَحْسَنَ اللَّهُ لَهُ رِزْقًا 11
Pagsasalin:
isang Sugo na bumibigkas sa inyo ng mga talata ni Allāh [sa Qur’ān], bilang mga naglilinaw, upang magpalabas Siya sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng maayos ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Gumawa nga ng maganda si Allāh para rito sa pagtustos. Aṭ-Ṭalāq 65:11
Tafsīr:
Ang paalaalang ito ay isang Sugo mula kay Allāh na bumibigkas sa inyo ng mga tanda Niya, bilang mga naglilinaw na walang kalituhan sa mga ito, sa pag-asang magpalabas Siya sa mga sumampalataya sa Kanya at nagpatotoo sa Sugo Niya at gumawa ng mga gawang maayos mula sa mga kadiliman ng pagkaligaw tungo sa liwanag ng kapatnubayan. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng gawang maayos ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman. Gumawa nga ng maganda si Allāh para rito sa pagtustos yayamang nagpapasok Siya rito sa hardin na hindi napuputol ang kaginhawahan doon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Aṭ-Ṭalāq • Talata 10 Susunod Aṭ-Ṭalāq • Talata 12