Surah Aṭ-Ṭalāq (Ang Diborsyo — الطلاق) (Talata 5)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




65 Aṭ-Ṭalāq(الطلاق), Talata 5

ذَٰلِكَ أَمْرُ اللَّهِ أَنْزَلَهُ إِلَيْكُمْ ۚ وَمَنْ يَتَّقِ اللَّهَ يُكَفِّرْ عَنْهُ سَيِّئَاتِهِ وَيُعْظِمْ لَهُ أَجْرًا 5 ٥

Iyon ay utos ni Allāh; nagpababa Siya nito sa inyo. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh ay magtatakip Siya rito sa mga masagwang gawa nito at magpapasukdulan Siya para rito ng pabuya. (5)

Tafsīr
Ang nabanggit na iyon na mga patakaran ng diborsiyo, pagbabalik, at panahon ng paghihintay ay patakaran ni Allāh; nagbaba Siya nito sa inyo, O mga mananampalataya, upang magsagawa kayo ayon dito. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay magbubura Siya para rito ng mga masagwang gawa nito na nagawa nito at magbibigay Siya rito ng isang pabuyang sukdulan sa Kabilang-buhay. Ito ay ang pagpasok sa Paraiso at ang pagtamo ng kaginhawahang hindi nauubos.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba