Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Aṭ-Ṭalāq — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

Aṭ-Ṭalāq • Talata 5 sa 12 • Tagalog


ذَٰلِكَ أَمْرُ اللَّهِ أَنْزَلَهُ إِلَيْكُمْ ۚ وَمَنْ يَتَّقِ اللَّهَ يُكَفِّرْ عَنْهُ سَيِّئَاتِهِ وَيُعْظِمْ لَهُ أَجْرًا 5
Pagsasalin:
Iyon ay utos ni Allāh; nagpababa Siya nito sa inyo. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh ay magtatakip Siya rito sa mga masagwang gawa nito at magpapasukdulan Siya para rito ng pabuya. Aṭ-Ṭalāq 65:5
Tafsīr:
Ang nabanggit na iyon na mga patakaran ng diborsiyo, pagbabalik, at panahon ng paghihintay ay patakaran ni Allāh; nagbaba Siya nito sa inyo, O mga mananampalataya, upang magsagawa kayo ayon dito. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay magbubura Siya para rito ng mga masagwang gawa nito na nagawa nito at magbibigay Siya rito ng isang pabuyang sukdulan sa Kabilang-buhay. Ito ay ang pagpasok sa Paraiso at ang pagtamo ng kaginhawahang hindi nauubos.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Aṭ-Ṭalāq • Talata 4 Susunod Aṭ-Ṭalāq • Talata 6