Magpatira kayo sa kanila [na mga babaing diniborsiyo] kung saan kayo nakatira ayon sa kaya ninyo at huwag kayong makipinsala sa kanila upang manggipit kayo sa kanila. Kung sila ay mga may dinadalang-tao, gumugol kayo sa kanila hanggang sa magsilang sila ng dinadalang-tao nila; saka kung nagpasuso sila [ng mga anak ninyo] para sa inyo, magbigay kayo sa kanila ng mga upa nila at mag-utusan kayo sa pagitan ninyo ayon sa isang nakabubuti. Kung nagkapahirapan kayo ay magpapasuso para rito ang ibang babae.
Aṭ-Ṭalāq 65:6 ⧉