Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Aṭ-Ṭalāq — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

Aṭ-Ṭalāq • Talata 7 sa 12 • Tagalog


لِيُنْفِقْ ذُو سَعَةٍ مِنْ سَعَتِهِ ۖ وَمَنْ قُدِرَ عَلَيْهِ رِزْقُهُ فَلْيُنْفِقْ مِمَّا آتَاهُ اللَّهُ ۚ لَا يُكَلِّفُ اللَّهُ نَفْسًا إِلَّا مَا آتَاهَا ۚ سَيَجْعَلُ اللَّهُ بَعْدَ عُسْرٍ يُسْرًا 7
Pagsasalin:
Gumugol ang may kaluwagan mula sa kaluwagan niya. Ang sinumang pinakapos ang panustos sa kanya ay gumugol siya mula sa ibinigay sa kanya ni Allāh. Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa ibinigay Niya rito. Gagawa si Allāh, matapos ng isang hirap, ng isang ginhawa. Aṭ-Ṭalāq 65:7
Tafsīr:
Gumugol ang sinumang may kaluwagan sa yaman sa diniborsiyo niya at sa anak niya mula sa kaluwagan niya. Ang sinumang ginipit ang panustos sa kanya ay gumugol siya mula sa ibinigay sa kanya ni Allāh mula rito. Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa ibinigay Niya rito sapagkat hindi Siya nag-aatang dito ng higit doon ni higit sa nakakaya nito. Gagawa si Allāh, matapos ng kagipitan ng kalagayan niyon at hirap nito, ng isang kaluwagan at kasapatan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Aṭ-Ṭalāq • Talata 6 Susunod Aṭ-Ṭalāq • Talata 8