Kay rami ng pamayanang nagpakapalalo sa utos ng Panginoon ng mga ito at ng sugo ng mga ito. Kaya magtutuos Kami sa mga ito sa isang pagtutuos na matindi [na pagdurusa sa Mundo] at magdudulot Kami ng parusa sa mga ito sa isang pagdurusang pagkasama-sama [sa Mundo at Kabilang-buhay]. Aṭ-Ṭalāq 65:8 ⧉
Tafsīr:
Anong dami ng pamayanan na noong sumuway sa utos ng Panginoon ng mga ito – kaluwalhatian sa Kanya – at sa utos ng sugo ng mga ito – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – ay tinuos Namin ang mga ito ng isang pagtutuos na mahirap dahil sa mga masagwang gawain ng mga ito at pinagdusa Namin ang mga ito ng isang pagdurusang kakila-kilabot sa Mundo at Kabilang-buhay.