Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Aṭ-Ṭalāq — Talata 4 (Tagalog) — Bidyo

Aṭ-Ṭalāq • Talata 4 sa 12 • Tagalog


وَاللَّائِي يَئِسْنَ مِنَ الْمَحِيضِ مِنْ نِسَائِكُمْ إِنِ ارْتَبْتُمْ فَعِدَّتُهُنَّ ثَلَاثَةُ أَشْهُرٍ وَاللَّائِي لَمْ يَحِضْنَ ۚ وَأُولَاتُ الْأَحْمَالِ أَجَلُهُنَّ أَنْ يَضَعْنَ حَمْلَهُنَّ ۚ وَمَنْ يَتَّقِ اللَّهَ يَجْعَلْ لَهُ مِنْ أَمْرِهِ يُسْرًا 4
Pagsasalin:
Ang mga nawalan ng regla kabilang sa mga maybahay ninyo, kung nag-alinlangan kayo, ang panahon ng paghihintay nila ay tatlong buwan, at [gayundin] ang mga hindi na niregla. Ang mga may dinadalang-tao, ang taning [ng paghihintay] nila ay na magsilang sila ng dinadalang-tao nila. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh, gagawa Siya para rito mula sa lagay nito ng isang kaluwagan. Aṭ-Ṭalāq 65:4
Tafsīr:
Ang mga babaing diniborsiyo na nawalan ng pag-asa na magregla dahil sa katandaan ng edad nila, kung nagduda kayo sa pamamaraan ng panahon ng paghihintay nila, ang panahon ng paghihintay nila ay tatlong buwan. Ang mga [babaing] hindi pa umabot sa edad pagreregla dahil sa kabataan nila, ang panahon ng paghihintay nila ay tatlong buwan din naman. Ang mga nagdadalang-tao kabilang sa mga babae, ang wakas ng panahon ng pahihintay nila dahil sa diborsiyo o pagyao [ng asawa] ay kapag nagsilang sila ng dinadalang-tao nila. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay magpapaluwag si Allāh para rito sa mga nauukol dito at magpapadali Siya para rito ng bawat mahirap.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Aṭ-Ṭalāq • Talata 3 Susunod Aṭ-Ṭalāq • Talata 5