Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Aṭ-Ṭalāq — Talata 3 (Tagalog) — Bidyo

Aṭ-Ṭalāq • Talata 3 sa 12 • Tagalog


وَيَرْزُقْهُ مِنْ حَيْثُ لَا يَحْتَسِبُ ۚ وَمَنْ يَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ فَهُوَ حَسْبُهُ ۚ إِنَّ اللَّهَ بَالِغُ أَمْرِهِ ۚ قَدْ جَعَلَ اللَّهُ لِكُلِّ شَيْءٍ قَدْرًا 3
Pagsasalin:
at magtutustos Siya rito mula sa kung saan hindi nito inaasahan. Ang sinumang nananalig kay Allāh, Siya ay kasapatan dito. Tunay na si Allāh ay umaabot sa nauukol sa Kanya. Gumawa nga si Allāh para sa bawat bagay ng isang pagtatakda. Aṭ-Ṭalāq 65:3
Tafsīr:
at magtutustos Siya rito mula sa kung saan hindi sumasagi rito sa isip at wala sa inaasahan nito. Ang sinumang sumasandal kay Allāh sa mga nauukol dito, Siya ay sasapat dito. Tunay na si Allāh ay nagpapatupad ng nauukol sa Kanya. Hindi Siya nawawalang-kakayahan sa anuman at walang nakalulusot sa Kanya na anuman. Gumawa nga si Allāh para sa bawat bagay ng isang pagtatakda na pagwawakasan nito kaya ang hirap ay may takda at ang kariwasaan ay may takda, saka hindi mamamalagi ang isa sa dalawang ito sa tao.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Aṭ-Ṭalāq • Talata 2 Susunod Aṭ-Ṭalāq • Talata 4