Surah Aṭ-Ṭalāq (Ang Diborsyo — الطلاق) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




65 Aṭ-Ṭalāq(الطلاق), Talata 7

لِيُنْفِقْ ذُو سَعَةٍ مِنْ سَعَتِهِ ۖ وَمَنْ قُدِرَ عَلَيْهِ رِزْقُهُ فَلْيُنْفِقْ مِمَّا آتَاهُ اللَّهُ ۚ لَا يُكَلِّفُ اللَّهُ نَفْسًا إِلَّا مَا آتَاهَا ۚ سَيَجْعَلُ اللَّهُ بَعْدَ عُسْرٍ يُسْرًا 7 ٧

Gumugol ang may kaluwagan mula sa kaluwagan niya. Ang sinumang pinakapos ang panustos sa kanya ay gumugol siya mula sa ibinigay sa kanya ni Allāh. Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa ibinigay Niya rito. Gagawa si Allāh, matapos ng isang hirap, ng isang ginhawa. (7)

Tafsīr
Gumugol ang sinumang may kaluwagan sa yaman sa diniborsiyo niya at sa anak niya mula sa kaluwagan niya. Ang sinumang ginipit ang panustos sa kanya ay gumugol siya mula sa ibinigay sa kanya ni Allāh mula rito. Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa ibinigay Niya rito sapagkat hindi Siya nag-aatang dito ng higit doon ni higit sa nakakaya nito. Gagawa si Allāh, matapos ng kagipitan ng kalagayan niyon at hirap nito, ng isang kaluwagan at kasapatan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba