Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Tatanggapin] kung magbabalik-loob kayong dalawa kay Allāh sapagkat kumiling nga ang mga puso ninyong dalawa. Kung magtataguyuran kayong dalawa laban sa kanya, tunay na si Allāh ay Mapagtangkilik sa kanya at si Gabriel at ang maayos sa mga mananampalataya. Ang mga anghel, matapos niyon, ay mapagtaguyod [sa Kanya]. (4)
Tafsīr
Nagindapat sa inyong dalawa na magbalik-loob kayong dalawa dahil ang mga puso ninyong dalawa ay kumiling sa pag-ibig sa kinasuklaman ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na pag-iwas sa babaing alipin niya at pagbabawal dito sa sarili niya. Kung magpupumilit kayo sa pag-ulit sa panunulsol ninyong dalawa sa kanya, tunay na si Allāh ay Katangkilik niya at Tagapag-adya niya, at gayon din si Anghel Gabriel. Ang mga mabuti sa mga mananampalataya ay mga katangkilik niya at mga mapag-adya sa kanya. Ang mga anghel, matapos ng pag-aadya ni Allāh sa kanya, ay mga katulong para sa kanya at mga mapag-adya laban sa sinumang nananakit sa kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: