Surah Al-Mulk (Ang Paghahari — الملك) (Talata 8)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




67 Al-Mulk(الملك), Talata 8

تَكَادُ تَمَيَّزُ مِنَ الْغَيْظِ ۖ كُلَّمَا أُلْقِيَ فِيهَا فَوْجٌ سَأَلَهُمْ خَزَنَتُهَا أَلَمْ يَأْتِكُمْ نَذِيرٌ 8 ٨

Halos nagkakapira-piraso iyon sa ngitngit. Tuwing nakapagtapon doon ng isang pulutong ay magtatanong sa kanila ang mga tagatanod niyon: “Wala bang pumunta sa inyo na isang mapagbabala [na isang sugo mula kay Allāh]?” (8)

Tafsīr
Halos nakakalas ang ibang bahagi niyon sa iba pa at nagkakapira-piraso sa tindi ng galit niyon sa sinumang pumapasok doon. Tuwing nakapagbato roon ng isang pangkat ng mga maninirahan doon na mga tagatangging sumampalataya ay magtatanong sa kanila ang mga anghel na itinalaga roon ng isang tanong ng panunumbat: "Wala bang pumunta sa inyo sa Mundo na isang sugo na nagpapangamba sa inyo sa pagdurusang dulot ni Allāh?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba