Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 103)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 103

ثُمَّ بَعَثْنَا مِنْ بَعْدِهِمْ مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ فَظَلَمُوا بِهَا ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُفْسِدِينَ 103 ١٠٣

Pagkatapos nagpadala Kami, matapos na nila, kay Moises kalakip ng mga tanda Namin patungo kay Paraon at sa konseho nito, ngunit lumabag sila sa katarungan sa mga ito kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagatiwali. (103)

Tafsīr
Pagkatapos nagsugo Kami, matapos ng mga sugong iyon, kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kalakip ng mga katwiran Namin at mga patunay Naming malinaw sa katapatan niya patungo kay Paraon at sa mga tao nito. Ngunit walang nangyari sa kanila maliban na nagkaila sila sa mga tandang ito at tumangging sumampalataya sa mga ito. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano naging ang kinahinatnan ni Paraon at ng mga tao nito sapagkat ipinahamak nga sila ni Allāh sa pamamagitan ng paglunod at pinasundan Niya sila ng sumpa sa Mundo at Kabilang-buhay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba