Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 123)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 123

قَالَ فِرْعَوْنُ آمَنْتُمْ بِهِ قَبْلَ أَنْ آذَنَ لَكُمْ ۖ إِنَّ هَٰذَا لَمَكْرٌ مَكَرْتُمُوهُ فِي الْمَدِينَةِ لِتُخْرِجُوا مِنْهَا أَهْلَهَا ۖ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ 123 ١٢٣

Nagsabi si Paraon: “Sumampalataya kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo. Tunay na ito ay talagang isang pakana na nagpakana kayo nito sa lungsod upang magpalabas kayo mula rito ng mga naninirahan dito, kaya malalaman ninyo. (123)

Tafsīr
Nagsabi sa kanila si Paraon habang nagbabanta sa kanila matapos ng pagsampalataya nila kay Allāh lamang: "Naniwala kayo kay Moises bago ako magpahintulot sa inyo? Tunay na ang pananampalataya ninyo sa kanya at ang paniniwala ninyo sa inihatid niya ay talagang isang panlilinlang at pakanang ipinanlalang ninyo mismo at ni Moises para sa pagpapalabas sa mga naninirahan sa lungsod mula rito. Kaya malalaman ninyo, O mga manggagaway, ang dadapo sa inyo na parusa at ang tatama sa inyo na parusang panghalimbawa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba